PARTIDO STATE UNIVERSITY
GOA, CAMARINES SUR
S/Y 2012-2013
HANDOUTS
Angele Delos Santos BSED 2-A
delossantos01angele@gmail.com
TALUMPATI
“Kung
ang kalayaan ng pananalita ay kinuha ay magiging pipi at tahimik maaring
matulad sa isang tupa na kakatayin”
-George Washington
Talumpati
ni Presidente Aquino sa ika-33 pagsasanay sa pagtatapos ng PNPA - Batch
Sinagtala
Marso 24, 2012
Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat na mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
Sining ito
ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa paraang pasalita sa
harap ng tagapakinig. Ang panandaliang talumpati (extemporaneous speech)
ay ang agarang pagsagot sa paksang ibinibigay sa mananalumpati at malaya siyang
magbibigay ng sariling pananaw. Maaaring may paghahanda o walang paghahanda ang
talumpati. Tinatawag na impromptu sawikang Ingles ang talumpating walang paghahanda kung
saan binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati. Sinusubok ang kaalaman ng
mananalumpati sa paksa.
Maaaring binabasa, sinasaulo o
binabalangkas ang talumpati. Sa binabasang talumpati, inihanda at iniayos ang
sinusulat muna ang talumpati upang basahin nang malakas sa harap ng mga tagapakinig.
Samantalang ang sinaulong talumpati, inihanda at sinaulo para bigkasin sa harap
ng mga tagapakinig. Habang naghahanda ng balangkas ng kanyang sasabihin ang
binalangkas na talumpati kung saan nakahanda ang panimula at wakas lamang.
Layunin at bahagi
Ang talumpati ay maaaring maghatid ng tuwa o sigla, nagdaragdag ng
kaalaman o impormasyon, magpahayag ng katuwiran, magbigay paliwanag o mang-akit o
mang-hikayat sa isang kilusan o paniniwala. Maaari din namang magbigay papuri
ang isang talumpati. Maaaring pagpasyahan ang layunin ng anumang uri ng
talumpati ayon sa pagkakataon, aksyon ng pagdiriwang o okasyon.
Nahahati sa tatlong bahagi ang talumpati:
1. Pambungad - inilalahad ang layunin ng talumpati,
kaagapay na ang istratehiya upang kunin ang atensyon ng madla.
2. Katawan - nakasaad dito ang paksang tatalakayin
ng mananalumpati.
3. Katapusan - ang pagwawakas ang pinakasukdol ng
buod ng isang talumpati. Dito nakalahad ang pinakamalakas na katibayan,
paniniwala at katuwiran upang makahikayat ng pagkilos sa mga tao ayon sa
layunin ng talumpati.
Paghahanda sa talumpati
Sa pagpili ng paksa, maaaring suriin kung saklaw ng paksang napili
ang kaalaman, karanasan at interes at mapukaw sa sarili o sa makikinig ng
talumpati. Kapag nakapili na ng paksa, maaaring magtitipon ng mga materyales na
gagamitin sa pagsulat ng mga impormasyon na siya namang gagamitin sa isusulat
na talumpati. Maaaring pagkunan ng mga impormasyon ay ang dating kaalaman at
mga karanasan na may kinalaman sa paksa, mga babasahing kaugnay ng paksa, mga
awtoridad sa paksang napili. Pagkatapos makatipon ng mga materyales na
gagamitin sa talumpati, maaari ka nang magbalangkas ng mga ideya at hatiin sa
tatlong bahagi: panimula, katawan at pangwakas. Maaari pang mapabuti ang
talumpati sa paglinang ng kaisipan na kung saan nakapaloob ang mahalagang
impormasyon na sumusuporta sa mga pangunahing kaisipan na inilahad sa
balangkas.
Para maging epektibo ang talumpati, pinapayuhan ang mananalumpati
na magkaroon ng magandang personalidad, maging malinaw ang pananalita, may
malawak na kaalaman sa paksang tinatalakay, may mahusay na paggamit ng kumpas,
at may kasanayan sa pagtatalumpati. Dapat din tandaan ng mananalumpati ang
tindig, galaw, pagbigkas, pagbibigay din at kaugnayan (rapport) sa
madla.
URI NG TALUMPATI
Talumpati ng
Pagtatanggap (Acceptance Speech)
Talumpating Panghikayat (Persuasive Speech)
Talumpating Pangkaarawan (Birthday Speech)
Talumpating Panghikayat (Persuasive Speech)
Talumpating Pangkaarawan (Birthday Speech)
Kahalagahan
- Napagbubuti ang kakayahan sa pangangatwiran.
- Nahuhubog ang kakayahan sa pangunguna.
- Napagtitibay ang tiwala sa sarili.
- Natututo ng tamang pagharap sa madla.
- Nakabibigkis nang maayos at wastong pagsasama-sama ng
mga salita.
Paraan ng Pagtatalumpati
- Talumpating Binabasa –
pinag-aralang mabuti at nagsanay sa pagbigkas sa harap ng madla
- Talumpating Isinaulo –
pinaghandaang mabuti at kinabisa
- Talumpating Binalangkas – binibigkas ang talumpati gamit ang patnubay ng
balangkas
- Talumpating Walang Paghahanda – ibinabatay lamang ang sasabihin sa sariling
kaalaman at karanasan.
Mga Dapat Bigyang- Pansin sa Pagtatalumpati
- Tindig –
tumayo ng tuwid at maging palagay sa entablado
- Galaw –
maging tiyak sa pagkilos
- Kumpas -nakatutulong
sa pagbibigay-diin sa sinasabi. Maging maingat sa bawat pagkumpas dahil
bawat kumpas ay may kahulugan.
- Tinig –
tamang bigkas at pagbaba at pagtaas ng tinig
HALIMBAWA NG
TALUMPATI:
Sa Kabataan Onofre Pagsanghan - I –
Isa sa mga salitang napag-aralan natin sa wikang Pilipino ay ang
salitang "nabansot." Kapag ang isang bagay raw ay dapat pang lumaki
ngunit ito'y tumigil na sa paglaki, ang bagay na ito raw ay nabansot. Marami
raw uri ng pagkabansot, ngunit ang pinakamalungkot na uri raw ay ang
pagkabansot ng isipan, ng puso, at ng diwa. Ang panahon ng kabataan ay panahon
ng paglaki, ngunit ang ating paglaki ay kailangang paglaki at pag-unlad ng
ating buong katauhan, hindi lamang ng ating sukat at timbang. Kung ga-poste man
ang ating taas at ga-pison man ang ating bigat, ngunit kung ang pag-iisip naman
nati'y ga-kulisap lamang, kay pangit na kabansutan. Kung tumangkad man tayong
tangkad-kawayan, at bumilog man tayong bilog-tapayan, ngunit kung tayo nama'y
tulad ni "Bondying" ay di mapagkatiwalaan-anong laking kakulangan.
Kung magkakatawan tayong katawang "Tarzan" at mapatalas ang ating
isipang sintalas ng kay Rizal, ngunit kung ang ating kalooban nama'y itim na
duwende ng kasamaan-anong kapinsalaan para sa kinabukasan. - II - Kinabukasan. Kabataan, tayo raw ang
pag-asa ng Inang Bayan. Tayo raw ang maghahatid sa kanya sa langit ng
kasaganaan at karangalan, o hihila sa kanya sa putik ng kahirapan at kahihiyan.
Ang panahon ng pagkilos ay ngayon, hindi bukas, hindi sa isang taon. Araw-araw
ay tumutuwid tayong palangit o bumabaluktot tayong paputik. Tamang-tama ang
sabi ng ating mga ninunong kung ano raw ang kamihasnan ay siyang
pagkakatandaan. Huwag nating akalaing makapagpapabaya tayo ng ating pag-aaral
ngayon at sa araw ng bukas ay bigla tayong magiging mga dalubhasang
magpapaunlad sa bayan. Huwag nating akalaing makapagdaraya tayo ngayon sa ating
mga pagsusulit, makakupit sa ating mga magulang at sa mahiwang araw ng bukas
makakaya nating balikatin ang mabibigat na suliranin ng ating bansa. Huwag
nating akalaing makapaglulublob tayo ngayon sa kalaswaan at kahalayan, at sa
mahiwagang araw ng bukas bigla tayong magiging ulirang mga magulang. Kabataan,
ang tunay na pag-ibig sa bayan, ang tunay na nasyonalismo, ay wala sa tamis ng
pangarap, wala rin sa pagpag ng dila. Ang tunay na pag-ibig ay nasa pawis ng
gawa.
Ang Kabataan Noon at Ngayon
Ang kabataan noon at ngayonay may maliit lamang na puwang sa kanilang pagkakalayo sa kilos, gawi, ugali, pananamit, damdamin at iba pang bagay. Sinasabing ang mga kabataan noon ay higit na magalang, masunurin at mabait di-tulad ng mga kabataan ngayon. Lubhang taimtim sa puso't isipan nila ang kanilang ginagawa; sa kabilang dako, ang kabataan ngayon ay may mapagwalang-bahalang saloobin. Lalong masinop sa pag-aayos ng katawan at pananamit at lubhang matapat sa pagsunod sa batas ang mga kabataan noon, kaya wika nga, ang kabataan noon ay hubog sa pangaral at kababaang- loob at ang asal ay ipinagmamalaki ng lahat.
Kaiba naman ang mga kabataan ngayon. Mulat sila sa makabagong panahon kaya higit na maunlad sa pangangatwiran na kung magkaminsan ay napagkakamalang pagwawalang-galang sa kapwa. Lubhang mapangahas sa mga gawin at mahilig sa maraming uri ng paglilibang. Napakatayog ng mga mithiin nila at higit na maunlad ang tunguhin. Marami rin ang magkasimbat at magkasinsipag sa mga kabataan noon at ngayon.
Ang kabataan noon at ngayon ay pag-asa ng bayan natin. Kapwa sila makabayan, mapagmahal, matulungin sa mga kaangkan at may mga mithiin a buhay. Ang pagkakaiba ay ayon sa lakad ng panahon. Hindi ba't mayroon tayong "Sampung Lider na mga Kabataan" na pinipili taun-taon? Sila ang saksi sa ating pinakamahuhusay na kabataan noon at ngayon.
Ang kabataan noon at ngayonay may maliit lamang na puwang sa kanilang pagkakalayo sa kilos, gawi, ugali, pananamit, damdamin at iba pang bagay. Sinasabing ang mga kabataan noon ay higit na magalang, masunurin at mabait di-tulad ng mga kabataan ngayon. Lubhang taimtim sa puso't isipan nila ang kanilang ginagawa; sa kabilang dako, ang kabataan ngayon ay may mapagwalang-bahalang saloobin. Lalong masinop sa pag-aayos ng katawan at pananamit at lubhang matapat sa pagsunod sa batas ang mga kabataan noon, kaya wika nga, ang kabataan noon ay hubog sa pangaral at kababaang- loob at ang asal ay ipinagmamalaki ng lahat.
Kaiba naman ang mga kabataan ngayon. Mulat sila sa makabagong panahon kaya higit na maunlad sa pangangatwiran na kung magkaminsan ay napagkakamalang pagwawalang-galang sa kapwa. Lubhang mapangahas sa mga gawin at mahilig sa maraming uri ng paglilibang. Napakatayog ng mga mithiin nila at higit na maunlad ang tunguhin. Marami rin ang magkasimbat at magkasinsipag sa mga kabataan noon at ngayon.
Ang kabataan noon at ngayon ay pag-asa ng bayan natin. Kapwa sila makabayan, mapagmahal, matulungin sa mga kaangkan at may mga mithiin a buhay. Ang pagkakaiba ay ayon sa lakad ng panahon. Hindi ba't mayroon tayong "Sampung Lider na mga Kabataan" na pinipili taun-taon? Sila ang saksi sa ating pinakamahuhusay na kabataan noon at ngayon.
SANGGUNIAN:
ihttp://tl.wikipedia.org/wiki/Talumpat
INIHANDA NI;
ANGELE R. DELOS SANTOS
BSED 2-A
